United States or Italy ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ang cataua'i, hinipo na at hinilot nanga siya, gumaling na capagdaca at siya'i, nacatindig na. Hayo't, lacad na don Juan moui ca sa caharian, di pa gumagaling naman ang haring iyong magulang. Lumacad na at umalis itong príncipeng mariquít, lagay ay cahapis-hapis damit pa ay punit-punit. Nang dumating nga siya sa palacio'i, nagtuloy na, sa haráp nang haring amá at lumuhód capagdaca.

Ang frasco'i, ibinigay na cay don Juan nang monarca, at sa palacio'i, nanhic na saca tambing nagpahinga. Ay ano'i, nang magabi na oras nang Ave María, dumating na capagdaca ang mariquit na princesa. Tinanong na si don Juan ni doña Maríang hirang, na cun anóng cautusán nang haring caniyang magulang.

Ay sa gayong pagcacalat negritos niyang tinauag, sa tacot na dili hamac nangagsipasoc na agád. Ang uinica nang princesa mouí ca na aquing sintá, aco'i, siyang bahala na sa palacio'i, magdadalá. Nagtuloy na si don Juan doon sa porterong bahay, si doña María naman nanhíc sa palacio real. Inilagay na sa lamesa yaong frascong dalá niya, sa cuarto'i, nagtuloy na at natulog nanga siya.

Ito'i, lisanin cong agád na sa haring napangarap, at ang aquing ipahayág ang apat na naglalacád. Nang sila'i, dumating na doon sa reinong Berbania, sa palacio'i, nagtuloy na humarap sa haring amá. Lumuhód na sa harapán nang amá nilang magulang, canilang ipinagsaysay lahat nang pinagdaanan. Si don Juan po'i, hindi na na amin siyang naquita, itong dalauáng princesa ang siya naming nacuha.

Salita Ng Araw

mahihiyá

Ang iba ay Naghahanap