United States or Chad ? Vote for the TOP Country of the Week !


¿Hindi bagá Osong?» «Tapát ang turing mo, at ang pagkakasál ay pakitang tao; subali't ang halík, saksíng akin ikáw, at akó ay iyó, kaya itulot na; halina irog ko ...» Iláng pang «¡Ayaw koat iláng «¡Halinabago pinagusap ang labing dalawá; tumunóg ang halík; nilimot na yatang silá'y may hinin~ na dapat malagót sa daratning dusa.

Guinóo, ang muling isinagót niyang may catigasan ang tinig; isinumbát po ninyong ang baya'y hindi marunong cumilala n~g utang na loob, itulot ninyong acóng isá sa m~ga bumubuô n~g bayang iya'y aking ipagsanggalang siya. Ang m~ga cagalin~gang guinagawa sa capuwa tao upang maguing carapatdapat na kilanling utang na loob, kinacailan~gang gawin n~g walang anó mang imbot na capakinaban~gan. Huwag na nating bigyáng cahulugan ang catungculang cusang iniatang sa sarili, at ang totoong caraniwan n~g sabihing pagcacaawang-gawáng atas sa m~ga cristiano; huwag na nating pansinin ang Historia (casaysayan n~g m~ga nangyari), huwag na nating itanong cung anó ang guinawa n~g España sa bayang judio na nagbigay sa boong Europa n~g isang aclat, n~g isáng religión at n~g isang Dios; cung anó ang guinawa sa bayang árabe na sa canya'y nagbigay n~g cagandahang asal, mapagpaumanhin tungcol sa canyang religión at siyang sa canya'y pumucaw n~g pag-ibig sa dan~gal n~g canyang sariling nación, pag-ibig na dating nagugulaylay at halos wasac na sa boong panahóng siya'y nasacop n~g capangyarihan n~g m~ga romano at n~g m~ga godo. Sinasabi po ninyong sa ami'y ibinigay ang pananampalataya at cami'y iniligtás sa camalian; ¿tinatawag po ba ninyong pananampalataya iyang m~ga gawang pakitang tao, tinatawag ba ninyong religión iyang pan~gan~galacal n~g m~ga correa at m~ga calmen, tinatawag ba ninyong catotohanan iyang m~ga himalâ at m~ga cathâng pinag-ugnay-ugnay na naririn~gig namin sa araw araw? ¿Itó bagá ang cautusan ni Jesucristo? Cung sa ganito lamang ay hindi kinacailan~gang papacò sa cruz ang isáng Dios, at gayon ding hindi cailan~gang tayo'y pilitin sa walang hanggang pagkilalang utang na loob; malaon n~g dating may pinananaligang laban sa catotohanan at sa catuwiran, na ano pa't walang kinacailan~gan cung di bigyáng kináng ang pananalig na iya't pataasin ang halagá n~g m~ga calacal. Marahil sabihin po ninyo sa aking cahi't ipalagay n~g malalaking totoo ang m~ga capintasang magagawa sa ating religión, n~gayo'y lalong magaling, gayon man, sa religióng dating sinusunod natin; naniniwala aco't sumasang-ayon, datapuwa't malabis namang napacamahal, sapagca't dahil sa religióng iyang canilang dinala rito'y binitiwan natin ang ating casarinlan; dahil sa religióng iya'y ibinigay natin sa canyang m~ga sacerdote ang ating lalong magagaling na m~ga bayan, ang ating m~ga bukirin at sampo n~g ating m~ga iniimpoc na salapi sa pagbili n~g m~ga sangcap sa pamimintacasi. Sila'y nagdalá rito sa atin n~g isang bagay na hanap buhay n~g taga ibang lupaín, pinagbabayaran nating magaling at yamang gayo'y walang cautan~gan ang isa't isa. Sacali't ang sasabihin ay ang canilang pagcacatangkilic sa atin laban sa m~ga «encomendero», ang maisasagót co sa inyo'y caya tayo'y nahulog sa camay n~g m~ga encomendero'y dahil din sa canila; datapuwa't hindi, aking kinikilalang isang tunay na pananampalataya at isang tunay na pagsintá sa Sangcataohan ang siyang pamatnugot sa m~ga unang misionerong naglacbay sa m~ga pasigang itó: kinikilala co ang cautan~gang loob natin sa m~ga mahal na pusòng iyon; aking nalalamang n~g panahóng iyo'y sagan

Iyán n~ ang sinabi ni Ibarra isáng áraw sa canyá; n~guni't siyá'y sinagót n~g matandáng mapag-ísip n~g malulungcót: Inyó sánang alalahanin ang sinasabi ni Baltazar: "Cung ang isalubong sa iyong pagdatíng Ay masayáng mukhá't may pakitang guìliw, Lálong pag-in~gáta't caaway na lihim..." Cung gaano ang galíng ni Baltazar sa pagca poeta ay gayón din sa catalinuhang umísip.

Si Catalina,i, ipinahampas naman at di pinacaing labing isang araw, at di pinainom n~ga sa bilanguan hinihimutoc niya sa madlang paraan. Hindi naman pinahalagahang lubos ang tanang pan~gaco na idinudulot, sa caniyang lahat na pakitang loob cahit camunti man ay di nalamuyot.

Sa caibigan ay idinadamay ang buhay at sa isang pakitang loob ay iginaganti ang yaman. Sa m~ga gawain ay gayon din, at ani Morga'y: "ang m~ga tagarito ay may mabubuting licás sa anomang hipuin, malilicsi't matatalino, bagá man maiinitin."

Salita Ng Araw

mapisan

Ang iba ay Naghahanap