United States or Aruba ? Vote for the TOP Country of the Week !
Maging saan man ang tun~go nati'y dapat mong paggayakan kung ano ang imamatuwid mo, sakaling makarating sa m~ga tayn~ga ni Teang ang ganitong ating pakikipaglamay sa kasayahan n~g gabing ito. Si Teang ay wala na sa akin, at ni di ko maalaman kung saan siya naroroon sa m~ga oras na ito. ¿Wala na sa iyo? ¿Ay kapag naalaman mo kung saan siya naroroon? Magkagayon ma'y wala akong sukat na ikabahala.
Walang ulikulik n~gang tumawag sa bahay ni donya Basilia ang mestisang pawang kasinun~galingan ang laman n~g ulo nang m~ga sandaling iyon n~g pakikipaglamay sa kasun~gitan n~g gabi. At pagbubukas n~g pinto n~g kanyang ale, ito'y kaagad niyang hinagkan sa kamay, tanda n~g paggalang. N~guni't ang maybahay ang unang nagsalita sa patakang tanong: ¿Elsa, bakit?