United States or Eritrea ? Vote for the TOP Country of the Week !


Itóng sa n~gayón ay hindi bibihagin kundi ililigtás sa m~ga kamay n~g ganid na magulang na pinipilit ang anák na pakasal sa hindi iniirog, n~g dahil lamang sa paglin~gap sa yaman n~g magiging manugang. ¿Ay ano po ang mayroon sa atin sakaling mangyari man ang gayón?

«¿Hiniya ba kitá? ¡Di ko ginagawa!...» «¿Ginaganáp n~gayó'y di bagá paghiya?» «Hindi, aking giliw, at ang aking puri ang nagugunita na baka kung ...» «¿Kulang bang tiwala?» «Di lamang sa gayón,» «¿Sa anó pang bagay?» «Katungkulan naming magin~gat na túnay, at ang unang halík, ang katimbang noó'y sampu nitóng buhay sa pagka't daig pa, ang gawáng pakasál.

Ang dalaga'y nag kunwarîng umayon at na pakasal n~ dilì ang hindî, n~guni't mulâ rin doón sa Simbahan ay tumanan siyáng patun~go sa bulubundukin, upang hanapin ang dati't túnay niyang kasintahan; at n~g huwág siyáng malapastan~gan n~g m~ga lalaki ay naglagáy sa ulo n~g úban at nanamit n~g tulad sa isáng gusgusing matandâ. Ang dalagang iyán ay ... ¡náitó n~gayón!

Kung mabubuksan mo lamang yaring dibdib ang katutoha ana'y iyong malilirip kung tunay n~ga akong taksil sa pagibig na gaya nang iyong tadhana sa titik. Labis ang sa iyo'y aking paghihintay at ikaw ang sinta na inaasahan n~guni at si Ama ang may kaibigán na siyang pumilit na ako'y pakasal.

Gayon ma'y sa paghihintay ko sa iyo isang taóng taning yaong hinin~gi ko at inaasahan yaong pagdating mo ganap na'y di ka pa dumarating dito. Halata nang lahat na lubhang matamlay ang aking pagsunod nang kami'y pakasal di lamang mangyaring si Ama'y masuway pagka't masasawi ako sa katwiran.