United States or Greece ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ako'y walang hinihintay, lalo pang pakailang iwas n~g makata. ¿At sino naman ang susulat sa akin sa m~ga araw na ito? Si Teang ... si Elsa.... Si Teang ay hindi. Si Elsa, manapa.... Hindi nalalaman ni Tirsong tinik na sumubyang sa dibdib ni Martinez ang huli niyang winika. ¿Susulat sa kanya si Elsa? ¡Talagang hindi namamali n~g hinala si Martinez!
Datapwa't ang sikdo n~g dibdib ay tinugunan noon din n~g isang pamumutlang bumakas na maliwanag sa kanyang mukha, kaya't nahulaang madali ni Martinez ang pagkabigong tinanggap n~g makata. Hindi yata dumating, ang painong turing n~g binatang kapapanhik. ¿Alin? pakailang tanong n~g maybahay. Ang sulat na hinihintay mo, ang wika pa ni Martinez.