United States or Niger ? Vote for the TOP Country of the Week !
"Kapagkarakang mapasok dito ang sino man, tatalikdang pilit, ang buhalhál na kaugalian at paiilalim sa kapangyarihan n~g m~ga banál na utos n~g Katipunan." "Ang gawang lahat na laban sa kamahalan at kalinisan, dito'y kinasusuklaman; kaya't sa bagay na ito'y ipinaiilalim sa masigasig na pakikibalita ang kabuhayan n~g sino mang nag-iibig makianib sa Katipunang itó."
Sa aking pagkakabatid n~g kagalin~gan n~g m~ga nilalayon at m~ga aral, na inilalathala n~g KATIPUNAN n~g m~ga A.N.B., ninanais n~g loob ko ang makianib dito. Sa bagay na ito'y aking ipinamamanhik n~g boong pitagan, na marapating tanggapin at mapakibilang na isa sa m~ga anak n~g Katipunan: at tuloy nan~gan~gakong tutupad at paiilalim sa m~ga aral at m~ga Kautusang sinusunod dito.