United States or Macao ? Vote for the TOP Country of the Week !


Si Eduardo ay muling nanhik kina Leoning at sana'y pamuli pa niyang kakausapin ang binibini at ipagpatuloy ang naputol nilang masayang paguusap datapwa't ang gayon ay di na nangyari sapagka't maraming nagtatanong sa puno't dahilan ng gayon at pati si aling Rita ay nakihalo na sa kanilang paguusap sa kahiwagaan ng nangyari.

Si Gervasio ay siyang nakatayo sa harap n~g madla. Sa lahat ay ipinabatid, na ang pulong ay bukás na. At pagkuwan ay sunod na isinalaysay ang m~ga pinangyarihan at kinahangganan n~g paguúsap n~g Lupon at n~g m~ga mamumuhunan.

¡Ituloy ang aklasan! ang walang ano-ano ay narinig na isinigaw n~g isá. ¡¡Ituloy!!... ang tugóng pasigaw din n~g karamihan. At lalo nang hindi magkamayaw sa in~gay ang lahat. Isang tinig, ang mula sa ibabaw n~g "escenario," ay narinig. At ang tinig na ito'y siyang pumutol sa masiglang paguúsap n~g lahat. At ang lahat ay napatahimik, at ang m~ga panin~gin ay tun~gong lahat sa magsasalita.

Bagama't gayon na lamang ang pusok n~g loob ni Elsa nang kanyang sulatin ang liham na ipinadala kay Tirso, ay nakalipas din ang gayong dami n~g m~ga araw n~g ang tipanan nilang paguusap na sarilihan sa bagay na iyon ay hindi pa nabibigyang katuparan.

Kung gayon po ay maraming salamat at nagi niyang isang kahulihulihang kaibigan na, gayon na lamang ang pagkagalak ko. Bakit po at lubos ang inyong pasasalamat? Sapagka't kundi sa kanya ay di ko kayo makakakilala. Oh! kayo naman. Siya nga po. Datapwa't ang kanilang paguusap ay nagambala sa dahilang isang bati sa binibini ang narinig ng dalawang magkasayaw. Sino yaon? Ester ang kanilang narinig.

Hindi na sumagot si Tirso. Di na lamang niya anhin ay matapos na ang gayong paguusap na labis niyang ipinanggigipuspos. Sa bawa't dalawa o tatlong sabihin ni Martinez ay palad nang siya'y magbitiw n~g isang kataga.

Matatapos na ang paguusap nang lihim ng kanilang mga mata kung sakali't nahihinto ang kanilang paguusap. Kinabukasan ay hindi na mauulit ang ganito. Aalis na si Eduardo at ang pangyayaring ito ay tila isang tinik na susubyang sa kanyang puso. Magkakahiwalay silang maluwat. Kay lungkot na mga sandali! Kay Eduardo man ay gayon din.

Asahan mong ako'y di marunong lumimot sa sinanglaan ng pagibig. Leoning, salamat. At hinawakan ang kamay ng binibini na dahilan sa galak ng kanyang puso.... Datapuwa't ang kanilang maligayang paguusap ay nahinto. Ang masaya nilang paguusap ay nabulabog. Ang kanilang pagngingitian ay natigil, kapwa nagulat ang dalawa. Bakit? Ano ang kahulugan noon? Isang putok ng rebolber ang kanilang narinig.

Salita Ng Araw

mahihiyá

Ang iba ay Naghahanap