United States or Guam ? Vote for the TOP Country of the Week !
Sa m~ga sandaling yao'y hindi niya maturol kung sa kaninong anak n~g Dios nahahabilin ang palad ni Teang, at sa m~ga sandali ring yaon ay nasa harap naman niya ang liham ni Elsang naglalahad n~g walang pagtutumpik sa tanang pithaya n~g pusong nauuhaw sa pagirog ... At ang sulat na iyong kinakaharap niya, higit sa isang pagpapahayag n~g mataas na pagtin~gin, ay isang tunay na paghin~gi't paghihintay n~g kanyang magagawa, n~g sukat niyang ilin~gap sa isang minamahal at itinatan~gi sa buhay ... ¿Paano ang marapat niyang gawin sa pagpapabaya ni Teang? ¿At paano ang gagawin naman niya sa gayong pagbubukas n~g dibdib n~g mestisang nabihag n~g kanyang pagkamakata? ¿Saang panig siya dadako? ¿Doon? ¿Dito?...
Ang m~ga manunulat, na kung sabihin n~g iba'y m~ga hibang, ulol, sinun~galing, nguni't ang totoo'y "nakapagguguho n~g kahakaharian at nakapagbaban~gon n~g sangbasangbayanan", wika n~ga n~g isang guro, kung magkasamasama't magpalagayan ay talo pa iyang tunay na magkapatid na ipinan~ganak n~g iisang ina. Sa kanila, ay wala niyang pagtutumpik.