United States or Gambia ? Vote for the TOP Country of the Week !
Pag napuno na nang alac ay parang ulol na lumalacad sa daan: may mata,y, para ring uala; may tain~ga,i, para ring bin~gi; ang bait ay di magamit caya cun magpasuraysuray, cun marapa at magban~gon, cun maquiling at magtouid at aglahiin nang man~ga bata, pagtauanan at paghiyauanan nang tauo, ay di dinaramdam, palibhasa,i, ualang cahihiyan.
Pag nagcagayon na,i, ¿ano pa ang quinasasapitan nitong calolouang anac nang Dios sa gracia, cun di ang maguing alipin ni Satanás sa sala? ¿Nasaan ang cabaitan, nasaan ang calinauan nang isip, baquit cun nalalasing na,i, cahit aglahiin, cahit pagtauanán ay di dinaramdam, at palibhasa,i, di nacaquiquilala?
Ano pa n~ga,t, ang pinaquiquinabang nang lasing sa malabis na paginóm, ay pauang cahapis-hapis, asal na parang hayop, buhay na cahirap-hirapan, may caloloua,i, para ring uala, cun marapa,t, macatindig ay mararapá ulí, at mapupuno na ang ulo nang sin~gao nang alac, ay mahahalang na lamang sa tabi ó guitna nang lansan~gan at ang siya ma,i, pagsicaranan, aglahii,t, pagtauanan, ay di namalayan, at palibhasa,i, cahoy na na cahalang.
Salita Ng Araw