United States or Iraq ? Vote for the TOP Country of the Week !
Caya cun mahina ó hindi husay ang pagtapon nang puso nang dugo, ay mahina rin at hindi husay ang pulso, na dahil doon naquiquilalang maysaquit ang tauo. Caya n~ga yata touing sabihin sa librong ito, na ang pulso,i, malacas, ó mataas, ó puno, ang cahologan noon ay ma-aalaman na nang mangagamot ayon sa turo cong una.
Ang dugo naman nang tauo ay parati nang parating lungmalabas, at ga tinatapon nang puso nang malacas na pagca tapon, na pinaaabot hangan sa man~ga caduluduluhan nang catauan. Itong pagtulac ó pagtapon nang puso nang dugo hangan sa man~ga catapusan nang catauan ay yaon ang pulso, at ang nahihipo doon ay ang dugong nangagaling sa puso, na napapatun~go sa man~ga casangcapan nang catauan.