United States or Yemen ? Vote for the TOP Country of the Week !


Asawa ko, ang palambing na pag-gising ni Lolay. ¡Kaunting tubig, ang binuka sa bibig ni Kadiliman, karaybay na n~g pagtakbo si Lolay upang kumuha n~g tubig at pinainom si Kadiliman ¡Ah Asawa ko! iganti ninyo ako kung sakaling ako'y mamatay ¡Nakú! ang pagigil na wika ni Lolay na lumagaslás sa matá ang luha, ¿Bakit? ¡Ay asawa ko! ang banayad na tugon ni Kadiliman; ako'y nanaginip, ako'y binan~gun~got, ang aking napanagimpan sinalaksak daw ang aking mukha n~g isang makatâ Mulî na namang bumalong sa m~ga mata ni Lolay ang luha't nan~gusap n~g ... ilayô mo na sa loob mo ang pakikipagtung-galî sa m~ga ganyan; n~g marinig ni Kadiliman ang salitang ito n~g kanyang asawa napaban~gon kahit gumugulapay at nan~gusap n~g pasigaw Hindi mangyayari, sapagka't ¿paano ang aking nasa sa pagcoconsejal? ¿Hindi mo ba tanto't kung kayâ ko pinagpipilitang maalis si Dr. noon 905 sa tungkol na pagka consejal , n~g ako ang mahalili? ¿Hindi mo ba alam na kung kaya ako nagnasyonalista n~g ako'y magkaroon n~g katun~gkulan? ¿Hindi mo ba natatalós na kung kayâ ako naghimasok sa kapisanan n~g m~ga panday; n~g ako ang maihalal na Consejal kung maaprobahan ang Bill Adriático at....? ¿Hindi mo ba natatatap na kahit ako'y magkahirap-hirap n~g mapataas lamang sa mataas na tungkol kung mangyayari? ibig kong maging Presidente sa América kung maaarî lang at n~gayo'y ibig mong ihiwalay ko, ang bagay na iyan sa aking panaginip, kaya't bukas ay mamilí ka sa palenke n~g marami at maghahanda ako, siya magpahin~galay ka, ang sagot ni Lolay.

Ang hari n~g m~ga tulisán ang bulóng na bumukal sa lahat n~g bibíg. Marahil ay nan~gapahinto n~g malaon ang m~ga nároon kundi siyang pakadin~gig n~g isang sigawang galing sa daan. ¡Sunog! ¡sunog! anáng m~ga taong na sa lansan~gan. Nagkaguló at nagpanakbuhan ang lahat, dátapwa't isang alilang humahaman~gos at halos wala n~g hinin~, dahil sa pagtakbó, ang lalong nagpalala n~g gitlá.

Sa mahabang lakbayin, ani Tirso, ay hindi nababagay ang pusok n~g loob at pagsusumugod n~g lakad; kinakailan~gan ang tiyaga, ang pagiin~gat at tulong n~g panahon. At ang pagaasawa ay iyang madawag at mahahabang lakbayin na di matatagpusan sa pahan~gos at walang tuos na pagtakbo.

Salita Ng Araw

mahihiyá

Ang iba ay Naghahanap