United States or Algeria ? Vote for the TOP Country of the Week !
Eduardo, iniibig kita at ikaw lamang ang pagasa ko nguni't naalaala, ko lamang ang kasasapitan ng palad ko sakaling.... Sakaling ano Leoning? Ako'y iyong kalimutan.... Leoning, sa gunita mo ay iwaksi ang lahat ng iyan. Diyata kaya? Oo. Salamat! Oo, salamat pa daw. Leoning, alalahanin mong wala ng ibang lugod ang aking puso kundi sa piling mo lamang. Na hihdi kaya isang pagsisinungaling lamang?
Na ako pa ang malalabuan sa iyong pagsisinungaling. Hindi Leoning. Hindi, ang ako ay pahirapan? Leoning, oo, hindi mo nga lamang nababatid ang lahat. Kung nang mga sandaling tinatanggap ko ang iyong liham ay makikita mo lamang ang aba kong kalagayan, ay mapatak din marahil ang luha mo kung may habag ka sa abang Eduardong ngayon ay kausap mo.
Salita Ng Araw