United States or Gambia ? Vote for the TOP Country of the Week !
Pagkatapos na marinig n~g amá n~g "Katipunan" ang gayong m~ga pan~gan~gatwiran, ay di umimik kamuntik man, kinuha ang kanyang sambalilo at sabay ang pagsasalitang "Diyan na kayó, puro kayo wikang kastila." Isang araw nama'y nagsadya si Bonifacio sa bahay n~g nasirang si Antonio Luna upang ipatalastás dito ang gagawing paghihimagsik n~g "Katipunan."