United States or Somalia ? Vote for the TOP Country of the Week !
Nang m~ga unang sandali pa ay ibig na n~g ilan ang pumasok; subali't walang makapan~gahas na man~guna; ang kaunti pang karan~galang nalalabi sa bawa't isa sa kanila ay siyang pumipigil, lubha na't magunita nilang ang ilan sa m~ga kasama ay mahigpit na tumututol. Itó ang sanhi n~g di matuloytuloy nilang pagsasagawa n~g m~ga binabalak na panunumbalik sa Pagawaan.
Subali't sa harap n~g mababan~gis na panukalang ito ay nagsisipanghumindig ang m~ga balahibo ni Elsa. Anhin man niyang tayahi'y kasalanang humihin~gi n~g kabigatbigatang parusa ang pagsasagawa n~g tinurang panukala. At siya ay hindi pa naman nalalabuang gaano upang lumusong sa ban~gin n~g ganyang kabuktutang gawa.
Hindi natataho ni Tirso ang lihim na kinikimkim sa diwa n~g kanyang magandang liyag. Di niya nahuhulaang nang ibig lamang noon ni Elsa ay gabihin sila sa loob n~g sineng iyon, upang sa paglabas ay magkaroon n~g mabuting panahon ang pagsasagawa n~g balak niyang taglay-taglay sa isip.