United States or Taiwan ? Vote for the TOP Country of the Week !
N~guni't ¿ito baga'y dapat cayang mangyari? ang sa cawacasa'y bigláng sinabi n~g malacás; ¿casalucuyan bang na sa unang panahón tayo n~g cadilimán? Sa macatuwid baga'y.... At lumapit sa m~ga dalaga, at binago ang anyo n~g pananalitâ. Pagpaumanhinan ninyó acó, anyá, nacalilimot acóng mayroon paláng sa aki'y naghihintay na aking catipán; magbabalic acó at n~g cayo'y aking masamahan.
¡Abá! ang biglang sinabi sa magalác na pagtatacá ¡ang cura n~g aking bayan! ¡Si parì Dámaso: ang matalic na caibigan n~g aking amá! Nan~gagtin~ginang lahat sa franciscano: ito'y hindi cumilos. ¡Acó po'y pagpaumanhinan ninyó, aco'y nagcámali! ang idinugtong ni Ibarra, na ga nahihiyâ na. ¡Hindî ca nagcámali! ang sa cawacasa'y naisagot ni Fr. Dámaso, na sirâ ang voces.
Salita Ng Araw