United States or El Salvador ? Vote for the TOP Country of the Week !
"Napanood namin n~gayóng icalabing isá n~g buwan, sa dácong umaga, ang isáng nangyaring lubháng nacababagbag n~g loob. Hayág n~gâ at talastás n~g lahát na sa araw na itó'y cafiestahan n~g Virgen de la Paz (Virgen n~g Capayapaan), at itó'y ipinagsasayá n~g m~ga Hermano (capatíd) n~g Santisimo Rosario Búcas ang cafiestahan n~g Pintacasing si San Diego, at sa fiestang iyá'y lubhang nakikitulong ang m~ga Hermano n~g V.O.T. (Venerable Orden Tercera; Cagalang-galang na Pan~gatlóng Hanáy). May isáng malaking pagpapataasang banal ang dalawang Capisanang itó sa paglilingcód sa Dios, at dumaratíng ang ganitóng gawáng cabanalan hanggang sa panggalin~gan n~g santong pagcacasamaan n~g loob nilá, gaya na n~gâ nitong hulíng nangyari dahil sa pakikipagtalo sa salitaan n~g dakilang taga pagsermong kinikilalang talagang balit