United States or Laos ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang Tanun~gan ang una-unang magsisigasig sa icasusulong n~g pagtuturo sa bayan at n~g gaua sa lupa, gauang camay at gauang mag-calacal, pati n~g m~ga daong na calacalan at pangdigma; caya't pag-aaralan ang malayong inabot n~g m~ga iba't ibang lupa tungcol sa m~ga bagay na ito at iba pang icagagaling n~g República, ihahamong sa Presidente ang pagpapasoc dito n~g man~ga cagagauang hindi pa natatahacan n~guni't napagquilalang mabuti, cucupcupin ang m~ga tan~gi sa caramihan dahil sa talas n~g isip at sa m~ga natuclasang icagagaling n~g lahat at pasisiglahin ang loob n~g tauo sa pagtatayó n~g m~ga samahan at pagpapaquitaan n~g canicanilang gauang carunun~gan paris n~g m~ga peria at exposición at sa pagbubucas n~g mabibilis na daan n~g pagcacaabutan n~g m~ga iba't ibang bayan sa pamamagitan n~g man~ga limbagang marunong magpahatid tungcol cabaitan at catotohanan, palibhasa'y di nasosopalpalan nang casaquiman at cadayaan.
Salita Ng Araw
Ang iba ay Naghahanap