United States or Chad ? Vote for the TOP Country of the Week !
Arao arao ay darasalin ang unang Panalan~gin at aacalain sa loob at gunamgunamin, na siya,i, humarap sa casanto-santosan Trinidad; at saca isusunod ang icalaua na natatala sa ibaba sa balang isa,t, isang arao, at cun matapos ay man~gadyi nang tatlong Ama namin at tatlong Aba Guinoong María , puri at dan~gal sa Santísima Trinidad na sininta nang totoong pagninin~gas nang puso ni san Agustíng Ama natin, at saca isa pang Ama namin at Aba Guinoong María , puri at bunyi sa maliyag na alab at nin~gas nang caniyang dibdib.
At icao naman, mahal cong Amang san Agustín, yayang ang uica ni santa Gertrudis, ay naquita ca niyang dumaralan~gin sa casanto-santosang Trinidad, na papagnin~gasi,t, paalabin nang totoong sinta sa Dios ang man~ga puso nang man~ga tauong mauilihin sa iyo; aco,i, nagaamo-amo sa iyo nang totoong capacumbabaan, na pacamtan mo sa aquin yaon alab na yaon, sampon nitong hinihin~gi co sa iyo dito sa novenas na ito, at nang parang pagninin~gas nang puso mo, ay magnin~gas naman ang puso co sa harapan nang Santísima Trinidad magparating man saan.