United States or Oman ? Vote for the TOP Country of the Week !


Iyan at iyan din ang naging dahil n~g pagkayukayok sa sala n~g sangkataohan na hindi kumilala sa utos n~g Diyos, iyan din naman ang naging sala ni Caín sa kanyang m~ga magulang at sa Diyos, sa kaibigan ni Caíng siya'y mátampok sa kapurihan, siya ang pumatay kay Abel na tunay niyang kapatid; itó ang iyong katulad na hindi mo ibig na ikaw ay tanawin sa mababang ayos; kaya't iwalay mo na sa isip mo ang pag-uugaling iyan at iyan ang mainam na gamot sa iyong bugók na utak, sa dahilang n~gayon ay nanaog na ang mesias na tumubos sa sala n~g sangkataohan taglay ang ilaw n~g kaliwagan, upang ang nadidilimang pag-iisip na gaya ni Caíng pumatay sa tunay na kapatid at kawan~gis n~g man~ga kapatid ni José Vendidong nagtakal sa tunay na kapatid ay pagliwanagan; at sa Filipinas nama'y nanaog na ang mesías na Rizal na tumubos sa sala n~g kadiliman, taglay ang m~ga aral niya upang magliwanag ang kapilipinuhan, na napakukuyumos sa mapag Apô-Apô; kaya't ang mapagpalang Gobierno Americano ay naglagdâ n~g kautusan; Bill na ang bawa't tawo'y makagágawa n~g kanyang maiibigan kailan ma't hindi sisinsay sa talatang utos, ang sino man suminsay ay may katapat na parusa; kaya't huag mong pagnasaang patayin sa gutom si Autor Hitô, sa dahilang iyan ang ipinagpapatid uhaw n~g iyong kababayan sa kanyang m~ga anak; layuan mo na ang asal Caín na ... sa nasâ mong ikaw ay magíng Consejal ay ipápahamak ang isang mag-anak; n~g masabi ni Goring ang m~ga huling salitáng ito ay nahilo si Kadiliman, siya namang pagdatal nila Bakokoy, Posotsoy at Tarorang Susô na siyang kumalga kay Kadiliman at naghatid sa kanyang bahay.

Salita Ng Araw

nagpacahandusay

Ang iba ay Naghahanap