United States or Burkina Faso ? Vote for the TOP Country of the Week !
Pagkatápos na áking maihandóg ang iisa kong pag-irog sa náhirang ni Bathalang panginoónin niyaring pusò, pagkatápos na áking maasámasám ang ligáyang pílit kong lalasapín sa kanyáng kandúngan, ay saka ako sinikíl ng pagkálupítlupít kong kapaláran!.....
«¡Diyos ko! ¡Diyos ko!» ang hibik n~g Osong, «¡pagkalupitlupit lakad n~g panahon!...» at kanyang inakay abang si Ruperto't wikang idinugtong «¡Tayo na! ¡tayo na!...» at sila'y yumaon. Habang lumalakad, dalawa'y nagsabay na isinusumpa ang abang namatay: «¡Oh, Tuning! ¡oh, Tuning!... ¡ikaw n~ga ang sanhi n~g lahat n~g lumbay n~gayo'y tinatawid nitong aming buhay!...