United States or Spain ? Vote for the TOP Country of the Week !
At nasa m~ga sandaling namamalikmata ang lalaki sa panonood n~g gumagalaw na anino, nang yariin sa sarili n~g dalaga ang kanyang gagawing pakana upang mabihis ang m~ga pagaalinglan~gan niya. Tirso, ani Elsa sa pabulong na turing, kasabay ang pagkukubli n~g bibig sa likod n~g kanyang pamaypay, ¿hindi ba maganda ang pelikulang ito?