United States or Seychelles ? Vote for the TOP Country of the Week !
Kay saklap ng gunitain! Iyan ang naging palad ng ating binata...! Magtiis ng hirap, magbata ng mga dalamhati. Kaya sa pagkasubasob ng mukha niya sa mesang sulatan ay sarisaring gunita ang nagsasalinbayan sa kanyang guniguni; mga gunitang parang pawang kasawian ng kanyang palad dahil sa sumpang nilimot. Kulang palad na binata!