United States or Namibia ? Vote for the TOP Country of the Week !


Hindi ko malaman itong nangyayari sa kabuhayan kong bihag mong parati, ang Aklat n~g aking tunay na Pagkasi'y puno na n~g aking m~ga pagsisisi. Aking nalalamang hindi makukuha n~g pagsisisi ko itong m~ga sala, n~guni't bayaan mong ang aking pag-asa'y mag-abang sa iyo, n~g awa't ligaya.

Napakapait man sa aking pagibig, kita'y iwawalay sa pitak n~g isip, sa abo n~g aking papanaw na awit ay baban~gon itong buhay kong malinis. Kung walang tiwala sa aking sinabi'y saksi ko ang bagu't bagong mangyayari, kung muling malisya ang aking pagkasi'y tugunin n~g sumpa itong pagsisisi. HANDOG: = Kay Bb. Concepcion T. Garcia .= San Nikolas, Maynila . Album ng Dalaga... = Simula .=

Iyong magagawa ang ako'y limutin at matitiis ko ang pagkahilahil, iyo mang isangla ang iyong paggiliw sa ibang binata'y... di ko daramdamin! Kung tunay mang lan~git ang iyong pagkasi'y isang Infierno ring aking masasabi, bihira sa m~ga magandang babae ang di salawaha't taksil sa lalaki.

Noong nabubuhay ang ina kong irog Ang kanyang pagkasi'y samyo n~g kampupot, Ang lakas n~g puso'y parang nag-uutos Na ako, kaylan ma'y huwag matatakot... Pagibig ni ina ang siyang yumari N~g magandang bahay na kahilihili, At nawag sa palad na katan~gitan~gi. Timtimang umirog! Hanggang sa libin~ga'y Dala ang pagkasing malinis, dalisay, Dala ang damdaming kabanalbanalan. = Ang halik ni Ina =.