United States or Bermuda ? Vote for the TOP Country of the Week !


Anopa at siya'y walang maisipan na yaong pagsinta'y magkaroong daan kaya't walang munting oras na tiwasay sa gayon ang puso niya't kalooban. Kung nagiging bantay siyang mahalili sa laang bantayang tapat niyong torre siya ay tatanaw tanaw na parati sa bintana't ayon sa laking pagkasi.

¿At kung ikaw kaya ang naging lalaki't ako ang pinalad na maging babae, kung hinahamak ko ang iyong pagkasi ay ilang puso mo ang di maruhagi? Sana'y nalaman mo, kung ikaw'y binata ang hirap sa mundo nang lumuhaluha, sana'y natalos mong ang lalong dakila ay nagiging taksil sa laki n~g nasa. Huwag kang malungkot!

Sa aki'y di sukat ang m~ga babae, sa aki'y di sukat ang iyong pagkasi, ako'y inianak sa pagkaduhagi kaya't magagawa ang minamabuti. Ako'y malilimot kung siya mong nais at pakasumpain sa silong n~g lan~git, ikaw'y may laya pang sa iba'y umibig pagka't may ganda kang hiraman n~g awit.

Ang pagtiwala'y tibay n~g pagkasi, timbulan n~g puso n~g naruruhagi, panilo sa m~ga tapat na lalaki, pag-asa n~g palad na di mapuputi. Huwag mong isiping ako'y magsasawa sa ating suyuang busog sa biyaya, ang iyong larawa'y laging na sa diwa't ang iyong pan~galan ay aking dambana. Aking natunghayan sa padalang sulat ang kalungkutan mo't sinisimpang hirap. Kay hirap maghintay n~g masayang bukas!

Siya ang dakilang Batas sa tahanan, Kamay na masipag, Kampana n~g buhay, Susi n~g pag-ibig na kagalanggalang. Sa kanya ang lahat ay pawang mabuti, Ang dukha't mayaman ay kapuripuri Palibhasa'y inang may puso't pagkasi. = Pag-ibig ni Ina =. Ang puso ni ina'y kaban n~g paglin~gap, May dalawang tibok na karapat-dapat, Ang isa'y kay ama, kay amang mapalad At ang isa nama'y sa amin nalagak.

Diyan mamamalas ang isang larawang Sipi sa ulila't payapang libin~gan, Diyan makikita ang dusta kong buhay Na sawang-sawa na sa kawáy n~g hukay. Hindi ko matalos itong nangyayari't Ang namamalas ko'y dilím na parati, Bulo sa pagsuyo, bigo sa pagkasi, Kurus sa baunan n~g naduduhagi.

Ang may pagsintang malabis Ay umid at nahahapis, Ligaya na n~gang masilip Yaong kanyang nilalan~git, ¿Tubsin mo kaya sa sakit Ang pagkasi kong malinis? Unang damdamin! Bathala n~g ganda! Hindi kailan~gang sa aki'y magtaka sakaling alayan n~g paos na tinig n~g aking kundiman, pagka't alam mo nang diwata kang tunay.

Ituring sa wala ang m~ga nangyari't iguhit sa tubig ang m~ga nasabi, ang laki at alab n~g aking pagkasi, n~gayo'y gawing abo nitong pagsisisi. Hindi pagkan~galay n~g aking panitik ang naging dahilan n~g pananahimik, kung hindi sa nasang huwag maligalig ikaw pa n~g aking bulag na pagibig.

Kung nang unang dako'y hindi ko nasabi Sa iyo ang aking tunay na pagkasi Ay pagka't ang aking puso ay napipi Sa haráp n~g dikít na kawiliwili. Sa n~gayo'y naritó at iyong busabos Ang aking panulat at aking pag-irog; Ang aking panitik: walang pagkapagod, Ang aking pag-ibig: walang pagkatapos.