United States or Bahrain ? Vote for the TOP Country of the Week !
Kun ang kahinlugang dapat magmasakít ay nananalan~ging búhay ay maligpit ang di kamag-anak ¿anong máiisip di ang daganán na n~g sangmundong sákit? At saka ang tawo'y kundí tatalikdan ang pagkakasalang kinadudumugan ay hindí malayo na tayo'y pahatdan n~g parusang walang dalang pakundan~gan.
Nagawa na nila ang malaking pagkukulang; naganáp na ang napakalaking pagkakasalang magagawa n~g sinoman sa haráp n~g isang dakilang layon at adhika. ¡N~gayon nila natutuhang panghinayan~gan ang m~ga pagsusumikap ni Mauro...! ¡Oh...! Ang pagsisising Hudas ay sumapit na sa m~ga taksil at walang pusong m~ga manggagawang yaon!
¿Magpatawaran? ¿Ibig mo bang sabihi'y ipalupig ko sa babaeng, iyan ang aking dilang pagasa?... Hindi, Elsa; subali't ... ipinagtatapat kong taglay ni Teang ang boong karapatan sa narinig mong kanyang sinabi. ¿At nahihibang ka ba?... Nahihibang ay hindi; datapwa't ... kinikilala kong ang isa't isa sa atin, Elsa, ay may kanikanyang pagkakasalang marapat patawarin n~g pinagkasalanan.