United States or Venezuela ? Vote for the TOP Country of the Week !
Doó'y dî n~ga ikinahihiyâ ó itinatagò ang pagmamahalan n~g dalawáng pusòng nagsisíntahan, at ang kadalasán, sa m~ga lansan~ga'y makikita ninyóng naghahalikan ang isáng laláki't isáng babai, n~g sino ma'y hindî nagtataká; pagkâ't doón, ang halik ay halos parang isáng pagkakamáy lamang n~g dalawáng magkatotong nagmamahalan. N~guni, dito sa boóng Kapilipinasan ay lubhâng nakamúmuhî ang iláng palakad sa m~ga bagay na itó, pagkâ't ibinabawal n~g m~ga magulang sa m~ga anak nilang dalaga ang pakikipag-usap n~g tungkól sa pag-ibig sa isáng laláking may nas