United States or Anguilla ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang panahong ito'y ginugol n~g m~ga civil sa paghanap sa «Hari n~g m~ga tulisán»; n~guni't n~g walang mangyari sa kanilang paghabol ay humuli na lamang n~g apat na taong bukid at siyang pinaratan~gan na nangloob kay kapitáng Ape. Ilang cruz del mérito militar ang naging pinakagantí sa pagkakahuling iyón. Dátapuwa't ang sundán natin ay si tinintíng Moneng na n~g araw na iyón ay lumuwas sa Maynila.