United States or Israel ? Vote for the TOP Country of the Week !


At ang tinatangka niyang paglalarawan sa babaeng ito sa harap n~g naturang lalaki sa anyong sukat ipamutla n~g mukha't ipangrimarim n~g budhi, ay hindi pa niya nagaganap. ¿Hindi kaya isang marun~gis na pagiimbot lamang ang umaaling iyon kay Tirso upang gumamit n~g gayong m~ga bigkasin at kilos na lubhang nakababahala sa kanyang pagkadalaga?...

Bagkus kinikilala pa niyang nasa matuwid at mabuti ang pagunita ni Tirsong masarap ang mamalaging mahabahaba pang panahon sa pagkadalaga. Ang dalaga ay bulaklak na masamyo at sariwa na laging katalamitam n~g layaw at kaligayahan. N~guni't kapag nagasawa, na, ibigin ma't hindi ay pinapanawan na n~g ban~go, kinukupasan n~g kulay at nalalanta sa tin~gin n~g balana.

Kaikailan man sa malimit na pagtitiwala niya n~g kanyang pagkadalaga sa pagkalalaki ni Tirso, ay noon lamang siya totohanang sinidlan n~g takot sa makatang ito.

At ang babae sa kanilang pagkadalaga ay walang ano mang tinatangkilik at kahi ma't kumikita ay sa magulang din. Ang kasunduang mulâ sa pagkabata at may páunang kalabgayan ay kinasasanghian kung minsan n~g ligalig, dahil sa kung lumaki ang m~ga bata at umayaw ang sino man sa kanila ay inuusap ang magulang n~g umayaw dahil sa sapantahang siyang nag-udyok.

Bakit kaya baga di humiling ang dalaga sa iibigín, ñg isang marañgal at mapuring ñgalan, isang pusong lalaking makapag-ampon sa kahinaan ng babai, isang marangal na loob na di papayag magka anak ng alipin? Pukawin sa loob ang sigla at sipag, maginoong asal, mahal na pakiramdam, at huwag isuko ang pagkadalaga sa isang mahina at kuyuming puso.

At ang gayong pagkakalaya na naman ni Tirso, sa kanyang pagkadalaga, ay lalo nang nagpapatibay sa kanyang tinitikang gawin noon. Subali't ... si Elsa ay nalilito. Hindi niya maubos isipin kung marapat o hindi na bago sila dumating sa pagamutan ay magmulat na siya n~g mata't makipagharap kay Tirso upang sabihin n~g tahasan ang tunay niyang ibig na mangyari.

Salita Ng Araw

babaho

Ang iba ay Naghahanap