United States or Belgium ? Vote for the TOP Country of the Week !
Nang una'y ayokong dito'y maniwala Subali't sa n~gayo'y nakita kong tama. Ang luha n~g tao ay may m~ga dahil, May luhang nagmula sa pagkahilahil, May sa pagkaapi sa isang giniliw, May sa pagkalayo sa inang butihin. Ang luha n~g aking nagsisising puso Ay hindi nanggaling sa pagkasiphayo, Ni sa pagkaapi n~g aking pagsuyo, Ni sa pagkagahis n~g isang palalo.