United States or Algeria ? Vote for the TOP Country of the Week !
At ang pagka-awa sa kapua tawo huag lilimutin, Dalmaciang anak ko, at yaón ang binhíng pag-aanihan mo sa kalilipatang huling Paraiso. Ang lahat n~g aking m~ga tagubilin bunsó sa dibdib mo ay papagtibain at ito ang gabáy na guguyabinín hangang binibig-yan n~g búhay na angkín.
Ako naman n~gayo'y lubós ang tiwala, pagka't siya nilang m~ga guinagawa: ang magpakahigpit, at ang pagka-awa sa kapua tawo'y walang mahalata. Ugaling kastila'y dí binibitiwan n~g m~ga Clerigong dito'y nan~gaiwan, batang bagong anak na pabibinyagan mag rerecargo na'y wala namang utang.