United States or Bahamas ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ano kaya ngayon si Leoning? Naaalaala rin kaya niya ako paris ng ginagawa kong pagaalaala sa kanya? ang madalas nasa pagiisa'y naitatanong ni Eduardo sa sarili. Oh! ang puso nga namang nalalayo sa sinisinta! Para kay Eduardo ay lalo't lalong nananariwa ang pagkasabik na kanyang makita si Leoning. Kaya't madalas niyang masabi sa sarili: Huwag nawang maglalaho ang kanyang sumpa!