United States or Australia ? Vote for the TOP Country of the Week !


=1896.= Ika =17 n~g Agosto=, pulong na idinaos n~g "Katipunan" sa "Kankong." =1896.= Ika =19 n~g Agosto=, pagkatuklas n~g "Katipunan" ni P. Mariano Gil. Ika 27 n~g Agosto, paglipat nina Bonifacio sa Balakbak. Ika 28 n~g Agosto, pagkalagda n~g pahayag sa paghihimagsik. Ika 29 n~g Agosto, pasyang pagsimula n~g paghihimagsik, na iniuutos sa pahayag ni Bonifacio.

Akin ding ipinakilala sa kanila ang m~ga aral n~g "Katipunan"; at isinaysay ang kapakinaban~gang natamó n~g Bayang Pilipino sa paghihimagsik na pinamatnugutan n~g kapisanang yaong itinatag at pinan~guluhan ni Andrés Bonifacio.

Walá~g alinla~ga~g matítiyák na a~g «El Resumen» ay siyá~g naglagáy n~g matibay na sáligan n~g ati~g paghíhimagsík, gaya n~g pinatútunayan n~g m~ga katagá~g itó na kanyá~g ilinathal

"May nagsasábing nagkakailángan mulî ng isáng paghihimagsík sa Pilipinas, upang mátamo ang pagsasariling pinipita.

Kinabukasa'y dalidaling lumulan sa bapor ang sugó n~g amá n~g "Katipunan," at umuwi sa Maynila, bagama't may tangkang manatili pa n~g m~ga ilang araw dóon. Nang malaman ni Bonifacio ang ikinaaayaw ni Rizal sa paghihimagsik ay sinabi ang ganito: "¿At saang aklat nabasa ni Rizal na bago maghimagsik ay kailan~gang magkaroon muna n~g sandata at salapi?"

78. =May m~ga sulat bang naiwan si Bonifacio?= Mayroon. M~ga pahayag ukol sa paghihimagsik, "Ang dapat mabatid n~g m~ga Tagalog," "Ang Pagibig sa Tinubuang bayan," (tula) at iba pa. N~guni't ang lalong pinakamahalaga, bukod sa palatuntunan at m~ga aral n~g "Katipunan," at ang "Katungkulang gagawin n~g m~ga Anág n~g Bayan," ay ang "Huling Paalam" ni Rizal, na kanyang isinatagalog sa gitna n~g pagdadagundong n~g Paghihimagsik, na siyang inaawit n~g ating m~ga kawal n~g sila'y nakikipaglaban sa Kastil

Kaya, nang mairaos na ang pulong na nagpasiya n~g pagsalakay sa Maynila, ay iniutos ni Bonifacio kina Emilio Jacinto at Guillermo Masangkay na isabog sa ilang pook n~g Maynila ang m~ga kasulatan na sadyang inihanda ni Bonifacio at nang m~ga alagad niya, na nagpapakilalang ang m~ga nan~gakalagda ay m~ga kinaalam at kasapi sa "Katipunan," bagaman ang totoo, ay hindi, at ang m~ga kasulatang yao'y ginawa lamang at hinuwaran ang lagda n~g ilang m~ga litaw na mayayaman at marurunong na pilipino nang sa gayo'y mapasubo o isubo sila sa ginampanang paghihimagsik n~g bayang maralita, sa ikabubuti n~g lahat.

76. =At ano ang ginawâ sa kanila?= Sa "Bundok Buntis" sila inihantong. Isang "Hukom n~g Digma" ang itinatag upang ang magkapatid ay mahatulan sa ibinubuhat na kasalanang umano silang dalawa'y nagtatayo n~g isang lakas na isasalun~gat sa Paghihimagsik at nag-sisiiwas sa Pamahalaan n~g Paghihinmagsik. Ang tinurang hukom, ay pinan~gun~guluhan n~g binitay na si General Noriel at ang iba pang nagsisibuó, ay siná Clemente J. Zulueta; Pedro Lipana, Juez Instructor; Santos Nocon, Fiscal; at m~ga saksi ay sina Agapito Bonzon at Pedro Sison. Ang tagapagtanggol ni Andrés Bonifacio ay si Teodoro Gonzalez, na naging kalihim niya. Ang naging hatol n~g Hukuman ay ipadala silang magkapatid sa pook n~g Look, Batan~gan, upáng doon sila mamalagi. Datapwâ, dahil, umanó, sa matinding pagsalakay n~g hukbó n~g m~ga kastila at sa mahigpit na kahilin~gan n~g marami na di kaayon ni Bonifacio, ang magkapatid, ay binaril sa "Bundok Buntis," noong ika "10 n~g Mayo n~g 1897," isáng araw bago mapasok n~g hukbong Kastil

Si Rizal at halos ang marami sa m~ga "mason" ay m~ga taong may taglay na kakayahan sa isip, ay nagsisipaniwala na bago gawin ang isang napakalaking gawain, katulad n~g paghihimagsik ay kailan~gan muna ang m~ga baril, sandata at salapi upang magtagumpay, tan~gi sa iyang magbuhos n~g dugo sa ikasusugpo n~g m~ga pangaapi ay talagang nahihidwa sa m~ga aral n~g "Masonería" sa kanyang m~ga kampon.

Nang malaman ni Bonifacio na ang m~ga mayaman at m~ga litaw na pilipino, ay ayaw sa paghihimagsik, siya'y umisip n~g isang paraan na ang m~ga ito'y mapadamay sa paguusig sa m~ga taga "Katipunan". Una, ay nang lalong masugatan ang puso n~g m~ga taong bayan kung makitang pati n~g m~ga mayayaman't m~ga litaw na kababayan ay pinipiit at pinagbabaril, at, ikalawa't higit sa una'y nang sa gayon ay lalong lumagablab ang apoy n~g paghihimagsik.