United States or Lebanon ? Vote for the TOP Country of the Week !


Si Padre Gómez n~ga ang siyang guinaua comisióng nahalal cusang papayapa sa cay Camerino na naghimagsic n~ga sa bayan n~g Tan~guay, Imus na daquila. N~g ito'y parunan niyaong Padre Gómez ay hindi nalaon ang paghihimagsic, dahil sa pan~gaco n~g autoridades sa tanang tagalog na nag-alsang tiquís.

Hindi n~ga nalao't binitay na cagyat nang icadalauang puo't isa ang saad nang buang Enero't ualang nacaligtas ni isa man lamang sa canilang lahat. Tanang man~ga presong cusang nagdudusa doon sa Arcenal di nacalabas baga sa paghihimagsic ay biglang dinala cusang dinestierro doon sa Paragua.

N~guni't sa dayucdóc at quinamtang puyat nang man~ga tagalog sa boong magdamag quinulang nang palad caya't napahamac sila ay nagapi nang man~ga calamas. Baquit quinulang pa nang polvora't bala lalong cailan~gan sa paquiquibaca caya di mangyaring tumagal pa sila sa paghihimagsic nilang lahat baga.

Caya siyang mula n~g panghihimagsíc niyaong si Eduardo Camerinong sulit na taga Caviteng nahalal na tiquís pan~gulo sa hocbo na pauang nilupig. Isa pang casama ni Eduardong hirang ay yaong si Luis Parang ang pan~galan na siyang namuno sa bayan n~g Tan~guay n~g paghihimagsic sa Fraileng sucaban.

Sa sabing matulin itong casayahan dito sa Maynila nang cusang malaman jornales sa Tan~guay paua nang gumalao hindi naapula nang sino't alin man. Sapagca't acala nitong nan~ga-aquit nang fraileng si Rufian putóc na narin~gig dito sa Maynila ay paghihimagsic man~ga taga rito cay Burgos na cabig.

Hindi naluata't sa corte nang Madrid ibinigay alam ang paghihimagsic nang taga Kabite ni Izquierdong tiquís general na hayag na sacdal nang lupít. Sa bunying Ministro n~g Guerra't Marina doon n~ga dumatal bigay alam niya caya capagdaca ay sinagót siya maghalál nang Fiscal taga usig baga.

Salita Ng Araw

nagpacahandusay

Ang iba ay Naghahanap