United States or Pitcairn Islands ? Vote for the TOP Country of the Week !


Dama'y nan~ga dingig ang sinabing ito silang lahat nama'y pawang nan~gagpayo anila'y humanap nang karangalan mo na maglakbay kahit sa ibang Reyno. Yaong si Honrado'y sa laking paggiliw ang payo nang Dama'y kusang minagaling at pinasiya nang lubos sa panimdim na man~gibang lahi't dan~gal ay hanapin.

Iníinís yaring abang kaluluwa panahóng nagdaán kun máala-ala; lalong nagdaragdag n~g matindíng dusa, n~gay'oy di na akin ang iyóng pagsintá. Tugón mong mahigpít "Ako ay iyó rín, sakali't maglilo'y buhay ko'y amisín. ¡Wala nang pipitás sa aking paggiliw yamang áalis ka ... ¡Oh, palad kong iríng!"

Dan~gan ang palad mo ang talagang kapos di laang magtamong tuwa sa pagirog nang pusong puso na'y saka pa luluhog na wala nang sukat ikasayáng loob. Madla mong pagsamo ay kahi't ubusin malubha mong damdam ay di na gagaling pagka't hinamak mo ang buhay na angkin na ipinarool lamang sa paggiliw.

Ang patak n~g ulan ay awa n~g lan~git, lihim na biyaya sa m~ga ninibig, laman n~g panulat sa m~ga pag-awit, sariwang bulaklak sa pitak n~g isip. Kung ang tan~ging Musa'y may tampo sa akin at ayaw sumunod sa aking paggiliw, ang patak n~g ula'y sukat ang malasin upang ang lira ko'y sumuyo't sumaliw.

Ay ang aking lungkot na di nagmamaliw, Lungkot na aywan ko kung saan nanggaling Kung sa m~ga aklat n~g isang paggiliw. Matapos mabasa ang awit n~g buhay Ay limutin mo na ang aking kundiman, Sapagka't ayokong mahawa kang tunay Sa taglay kong lungkot at kapighatian.

Nagpakamatay ngayon ang iyong kaisang puso sapagka't nang dahil sa iyong pagsusukab ... At, kung si Eduardo ang naging palad mo, at sa harap na iyan ng maraming kababataan at kasariwaang nangauuhaw sa hamog ng pagibig ay mabighani ang iyong palad at matutong magduyan sa bisig ng iba, ay ano pa rin kaya ang sasapitin ng isang yaong pinaglalaruan mo ng paggiliw?

Sa huli'y natumpak itong aking puso't natutong tumupad sa aral mo't samo titiisin ko nang ang aking pagsuyo'y malibing sa hukay n~g pagkasiphayo. N~gayon ko nalamang ang aking landasi'y singdilim n~g iyong tinamong damdamin, n~gayon ko natalos na ako'y sinupil n~g matinding udyok n~g isang paggiliw.