United States or Heard Island and McDonald Islands ? Vote for the TOP Country of the Week !


Matapos ito ay inililibing n~g paupo sa yun~gib na kanilang ginagawa sa ilalim n~g lupa, saka hinahainan sa harap n~g isang bungbong na tubig, isang pingang ikmo at n~g iba't ibang pagkain pa, at niwawakasan sa pagdaraos n~g kanilang kaugaliang pagdiriwan, na ani Delgado, ay naaáyon sa pananalig kay Mahoma at kay Pitágoras.

Ang katolona ay siyang pinaka paré ó pinaka pastor na tagapan~gasiwa sa anomang pagdiriwan na kinaugaliang gawin.

At ang katolona, kung dumádalo sa ganitong pagdiriwan, ay nagpuputong sa ulo n~g inikid na bulaclác, nagsusuót n~g canyang m~ga hiyás, nagdadalá n~g canyang m~ga gamit na casangcapang lalagyán n~g alác at canin at sa harap n~g isang baboy na buháy at nang m~ga pagcaing nahahayin ay sumasayaw na dumadalan~gin sa anito ó diwata na kanilang pinapan~ginoon, at pagkatapos ay hinuhulaan kung ang may-sakít ay mamamatay ó hindi.

Pagkatapos na mailibing ang bangkay ay nagdiriwang n~g isang kasayahan sa ikatlong araw na ang tawag ani P. San Antonio, ay tibaw at sa bahay n~g namatayan idinaraos . Sa pagdiriwan n~g kasayahang ito ay naglalagay sa pintuan n~g bahay n~g isang pasóng tubig upang mapaghugasan, n~g isang banig na may abo upang mabakas ang m~ga paa sa pagpasok; at sa dulang ay tinataanan n~g pinakapan~gulong upuan ang namatay saka nagkakaina't naglalasin~gan na tuloy inaawit ang pamumuhay at kagalin~gan n~g namatay, kung siya'y naging magaling na man~gan~gaso ó mamamalakaya ó sa ibang bagay kaya.

Salita Ng Araw

nagpacahandusay

Ang iba ay Naghahanap