United States or Lebanon ? Vote for the TOP Country of the Week !
Nang naglulubha si Kadiliman. Si Kadiliman ay nakahiga sa isang gulanit na banig, at halos walang makain, taglay n~g pagdadálitang kanyang sinasayod, mula n~g makaraan ang may dalawang buan n~g paghahalalan, na sanhi sa pag-gugugol nitó sa kanyang kandidatura ay naipagbiling lahat ang kanyang ari-arian at hindi siya ang lumabás, kaya't siyang naging mula n~g sakit niyang pagka hibang at pinaglalaruang palagi siya n~g m~ga demonyo at kalulwa ayon sa kanyang panaginip, pagka't nililibon-libon sa lagnat, si Lolay na kanyang asawa ay nakapan~galumbaba sa palababahan n~g bintana at binabantayan ang kahapis-hapis na may sakít.