United States or Spain ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang Sumo Pontífice Gregorio Décimosesto, sa 22 nang Enero nang taon 1836, ay nagcaloob nang 300 arao na indulgencia sa taimtim na pagdadasal nang pitong ligaya at pitong sáquit ni San Josef, sa balang isang arao nang Domingo, at isang indulgencia plenaria sa catapusan ó icapito: ang man~ga nasabing arao nang Domingo ay dapat magsunodsunod sa loob nang taon, at bahalang pumili ang maghahain nitong devocion.
Mayroon, pó, sa pagdadasal; may sa pagcocompisal; may sa paquiquinabang, may sa paquiquipagcapoua tauo, at sa iba,t, iba pang catungculan nang tauong cristiano, ayon sa inaabot nang canilang pag-iisip, at magandang calooban nila sa aquin.
Cundi mo sila,i, parisan sa pagdadasal nang marami; cundi mo sila,i, gayahan sa pagsosoot nang carmin, nang correa, nang cordon; cundi mo gauin ang ibang mañga cabaliuang guinagaua nila,i, masama ca nang tauo. Sabihin mo riyan sa capatid mo iyan, na siya,i, magdasal nang marami; magcolacion arao-arao; magsoot nang cilisiong mula sa paa, na hangang sa ulo, at houag maquialam siya sa iyo....