United States or Papua New Guinea ? Vote for the TOP Country of the Week !
Para kay Eduardo ay untiunting nagkukupas ang lahat. Kung baga sa bulaklak nalalanta at nalalaing. Ang dating paglingap sa kanya ni Leoning ay parang natulad lamang sa ulap, biglang naglahong paminsanan. Ang dating paglingap ni Leoning ay tulad lamang sa isang pagdadapithapong lumulubog na.
Tiningala niya ang langit; nguni't ang pagdadapithapong yaon ay waring isang kimpal ng ulap. Para bang ang kanyang palad ay makikisama na sa pagtatakip-silim. Waring ang kanyang pagasa ay nagtutumuling lulubog sa matinding dagok ng kasawian. Baka kaya ang susunod namang pagtugtog ng batingaw mamaya ay isang plegaria naman?
Salita Ng Araw