United States or Faroe Islands ? Vote for the TOP Country of the Week !


Julieta't di iba sa bintana'y nucas ticang causapin ang asang mamalas pagcat caniyang batid caga-gauang lahat n~g tungcol sa caniyang puso ang bumihag. At cung cayá ito'y tinipid sa dib-dib gabing nan~gagdaan pagcat caniyang nais taruquin ang lalim sa caniya'y pag-ibig n~g quinahiligan n~g loob at isip.

Julieta'i inalio n~g gayong pahayag at saca sumagot, aniya, "aquing tangap puso mong aquin na at i-uling ilapat sa aquing pag-ibig" sa luhang nanatac. Saca inalili calagui-ang aquin sa pagcat ito man iyo na rin at dalhin husto't pati dugong gaua n~g hilahil ualang natilansic cahit gagapuing.

Ang hinin~gang hapó n~g sa dusang dagoc cayá nagtumagal pagcat caniyang handog ang mabisang lunas n~g iyong pag-irog gunita lamang guinhaua n~g loob. Dam-dam co'y camandag tanáng naliliguid n~gayong pumanao na uagas mong pag-ibig, ang buhay ay pasan n~g matinding sáquit at sa gayo'y ualang lunas na cacapit;

Ang tanáng linic-ha punó n~g alindog sa pagui-guing sacsing umid n~g masunod ticang pinilacan n~g calugod-lugod ang naguing larauan n~g sinta't pag-irog. At marahil cayá ang boong quinapal, sa arao na iyaon saya ang tinag lay pagcat para niyang himacas at hambal sa nagcasing pusong capos capalaran.

N~gunit huag aniyang limutin sumulat sa asauang casi't gayo'y n~g matatap n~g di ibalisa balitang cacalat at siya, ring nan~gacong magpadalang agad. Ng magcaisa na sa acalang gayong Julieta'y nui nang tila hindi tungtong sa lupa sa pagcat bun~ga n~g linayou sa toua nahinguil at hindi sa lason.

Sa pagcat ang lupang cupcop n~g pagibig sa daya at pain sino mang malapit, bighani in~gatan dagdagan ang masid n~g huag macut-ya cung tica'y malinis. Puso n~g babaying dupos na himuquin sasaquian sa dagat ang naca-cahambing, cung culang bumalac may in~gat ó anquin sa dumpol n~g sinta basag ang marahil,

Ang m~ga cataua'y nangyaring namanhid sa dagan n~g dusang handog n~g hinagpis, titigan sa quilos himutoc ang sulit dahil sa nangyari at sa masasapit. Sa pagayong anyo n~g isip cung masdan panulat n~g pantas tila calabisan, pagcat yao'y lalong hinahong magsay-say cung ano at gano sa puso'y pumisan.

Sa munting linaon nacapanguilalas paglaqui't pagla-lâ niyaong paglalamas, pagcat di pa bilang ibang nan~ga-ganyac guinoo at duc hang nan~gacatalastas; N~gunit ualang uasto sa linusob-lusob marami sa ibang huling nagsilahoc, sa dalauang pangcat ualang naca-ayos pinagmulang babag cun di ang ma-abot.

N~gunit n~g dumating pagcat caraniuan tamis uma-asim n~g pag iibigan, sa dahilang ito cacamunting bagay sama-an n~g loob ang pilit umiiral At palibhasa n~ga sa balat n~g mundo, matouain di ilan sa gauang mangbuyo. caya di napaui't bagcus sumilacbo init n~g alita'y naguing pita'y sicdo.

At n~gayo'y bago ca isapit sa uacas n~g pangabing piguing, bumabasang liyag, pacaquilan-lan mo n~galan pagcat dapat bunying Capuleto ang naguing causap. Ito't dili iba't ang Conde de Paris, Principe Scala capinsang malapit, sa ibang talata aquin nang binanguit at hangang sa huli sundan mo n~g isip.