United States or Dominica ? Vote for the TOP Country of the Week !
Nagsagupa na n~ga ang hukbong dalaua at pinasimulan yaong pagbabaca, man~ga lobong gutom ang siyang capara nang pagpapamooc nang isa at isa. Pagcapalibhasa'y ang man~ga cristiano ay nan~gananalig sa totoong Dios, na pinagtitibay sa canilang loob caya n~ga't ang tapang ay lubos na lubos.
Pagcapalibhasa'y ualang cabuluha't di gaya n~g Dios n~g man~ga binyagan, cung sila'y may ganap na capangyarihan panahon na'y bakit hindi saclolohan. Caya ang laon nang ipinagsasabi na iyo, n~g aming Reynang si Clotilde, ay siyang sambahi't doon mamarati at siyang sa atin ay magcacandili.
Pagcapalibhasa'y Hari ang nag-utos tanang inutusa'y agad nagsisunod, ang man~ga Dioses at Templo'y sinunog sa lahat nang lupang cay Clovis na sacop. Saca nang mayari naman ang Simbahan ang Haring si Clovis doon ay naglacbay, casama ang lahat nang caguinoohan at siya'y tumangap nang pagcabinyagan.