United States or Mauritius ? Vote for the TOP Country of the Week !


Pagaacalain ang sariling carunun~gan, cabaitan at lacas, itimbang sa cabigatan nang catun~gculan, at cung ang lahat nang ito,i, magcatimbang-timbang, saca pahinuhod ang loob sa pagtangap nang catungculan, n~guni hindi rin dapat pagnasaan at pagpilitang camtán, cun di ang tangapin, cun pagcaisahan n~g bayan, at maguing calooban nang Dios.

Sa Kapulun~gan nang m~ga matandá cun ihalal ang m~ga catiuala ay ang pagsisiyasat n~g m~ga salin ay gagauin sa oras ding yaon n~g Tribunal, capag naipabasa ang m~ga salin n~g tagapagsiyasat at Kagauad na nahugot. Cun batiin at paualang halagá ang salin n~g alin man sa nahugot na ito ay hahalan~gan n~g ibang pagcaisahan n~g caramihan.

Sa unang taon n~g pagcacatayo n~g Kapisanan at sa pagpapalit ay ang pagbubucas ay gagauin nang Presidente nang República na cun macatapos n~g pagbasa nang Calatas ay man~gan~gasiua nang pagtatayó nang dalauang Paniualaan na pagcaisahan n~g marami, isa ay lima catauo ang sangcap na siyang magsisiyasat nang lahat nang salin nang iba nilang casama at ang isa'y lalaguian nang tatlo catauo na sisiyasat nang man~ga salin nitong limang nauna.

Ang m~ga Paniualaang ito ay siyang magbibigay saysay quinabucasan tungcol sa cayarian ó caculan~gan nang naturang m~ga salin at siyang magmamacaalam na ualang pucnat sa m~ga paghahandang gagauin, han~gan mapasiya at pagcaisahan nang marami ang m~ga iban~gong usapan tungcol sa cayarian nang m~ga salin at calagayan nang m~ga Tagatayó. bago lumampás ang sampong arao.

Caracaraca'y huhugot dito rin sa nan~gagcacapisan at sa butusang lihim nang pagcaisahan nang mahiguit sa calahati na isang Presidente, isang Pan~galauang Presidente at tatlong Kagauad, at lulutasin ang paghahanda capag naisulat sa Presidente n~g República ang man~ga paghahalal na itó.

Salita Ng Araw

matitimbuang

Ang iba ay Naghahanap