United States or Jamaica ? Vote for the TOP Country of the Week !
Hindi catá nakikilala ... mangyari baga, hindi ca pa ipinan~gan~ganac n~g aking lisanin ang lupaing iyón; ¡hindi cata nakilala! At pinacahihigpit n~g canyáng matatabang m~ga bisig ang binata, na namúmula, ayawan cung sa cahihiyan ó sa pagcainís. Tila mandin nalimutan n~g lubós ni pari Dámaso ang canyáng pighati.
Cahi't ibiguin man ni capitan Tinong sundin ang utos n~g canyáng asawa'y hindi rin mangyayari; natatacpan ang canyang bibig n~g dalawáng camáy n~g canyáng asawa, at iniipit ang canyang maliit na ulo laban sa licuran n~g sillón, at marahil namatay sa pagcainis ang abáng lalaki cung hindi namag-itan ang isáng bagong dumatíng na tao.