United States or Ghana ? Vote for the TOP Country of the Week !
N~gayó'y nacapag-agahan na tila at nilílibang ni María Clara ang canyáng pagcainíp sa paggawâ n~g isáng sutláng "bolsillo", samantalang ibig pawìin n~g tía ang m~ga bacás n~g nagdaang fiesta sa pagpapasimulâ n~g paggamit n~g isáng plumero. Sinisiyasat at inuusisa ni Capitang Tiago ang m~ga iláng casulatan.
Sa nais ni Ibarrang malibáng ang canyáng pagcainíp sa paghihintay n~g oras na macapagpapaliwanagan cay María Clara'y gumagawa sa canyáng laboratorio. ¡Ah! cayó pô palá, ¿Elías? ang bigláng sinabi; cayó ang sumasaaking isip, nalimutan co cahapong itanóng sa inyó ang pan~galan niyóng castil