United States or Bahamas ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ó calinislinisang Esposo, malualhating San Josef, na cun gaano ang bagsic nang hapis at casáquitan nang iyong pusò, niyong inisip mo na icao ay dapat humiualay sa calinislinisan mong Esposa, ay gayon din naman ang siglá nang ligaya mo, niyong ipahayag sa iyo nang Angel ang misterio nang pagcacatauan tauo nang Anac nang Dios.
Datapua niyari nang Dios sa cataoan nang mahal na Virgen ang daquilang misterio nang caniyang auâ at capangyarihan, sapagcat ang Espíritu Santo ay nuha sa tian ni María nang caonting dugó, na guinauang catauan nang sangol na lalaqui, at lumalang nang isang mahal na caloloua, na isinama sa cataunang yaon, at inilangcap n~g Dios Anac ang caniyang Persona sa nasabing cátauan at caloloua, at nayari ang misterio nang ENCARNACION, ó pagcacatauan tauo nang Divino Verbo.