United States or Saint Martin ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ang pagdalan~gin ay idinaraos cailan ma't may cailan~gan silang hilin~gin sa anitong kinauuculang tawagan, na cung halimbawang sa pagcacasakit upang gumaling ó sa pagnanais na ang nasa hirap doon sa cabilang buhay ay mahan~go at sa ibang bagay pa, ay ang m~ga nuno nilang anito ang tinatawagan na di umano'y siyang m~ga nacacaalám n~g calagayan n~g nan~gandoon sa cabilang búhay at m~ga sumasagót sa dalan~gin n~g catalona, cung halimbawa namang sa pag-paroon sa digma ó sa pagsalakay at upang magwagí ay ang hubog n~g lan~git ang dinadalan~ginan na canilang pinan~gan~ganlang bataubaw; at gayon din sa iba't ibang dahilan.

Doo'y nacahin~ga siya: nakita niya sa manipis na tabing na naroon ang isang anino, ang carapatdapat sambahing anino, ang puspos n~g biyaya at calugodlugod na pan~gan~gatawan ni María Clara, at ang sa canyang tía na may dalang m~ga taza at m~ga copa. ¡Magaling na lamang! ang canyang ibinulong, tila mandin walang nangyari cung di ang pagcacasakit lamang.

Sa gayóng calagaya'y inábot si Sisa n~g gabí. Pinagcalooban siyá marahil n~g Lán~git n~g iláng horas na pagcacatulog, at samantalang siya'y nahihimbing, hinilahihisan n~g pacpác n~g isang ángel ang namumutlâ niyáng mukhâ, upang macatcát sa canyá ang alaala, na waláng ibáng tinátaglay cung pawang capighatîan; marahil hindî cásiyang macáya n~g mahinang lacás n~g táo ang gayóng caraming m~ga pagcacasákit, caya't n~g magcágayo'y na mag-itan marahil ang Inang-Talagá n~g Dios na tagláy ang canyang matimyás na pangpagaang n~g hírap, ang pagcalimot; datapuwat sa papaano man, ang catotohana'y n~g kinabucasan, si Sisa'y nagpapalacádlácad na nacan~gitî, nag-aawit ó cung hindî nakikipag-usap sa lahát n~g m~ga may búhay na kinapál.