United States or Saint Pierre and Miquelon ? Vote for the TOP Country of the Week !
Samantalang napúpuno n~g táo ang báhay at umaalín~gawn~gáw sa lahát n~g m~ga pánig ang malalacás na yabág n~g m~ga lumalacad, n~g m~ga tínig na naguutos, calampág n~g m~ga sable at n~g m~ga espuela, nahahandusay namáng hálos nacaluhód ang lipós pighatíng dalága sa harapan n~g isáng estempa n~g Vírgen, na ang pagcacalarawa'y yaóng anyô n~g cahapíshapis na pan~gún~gulila, na si Delaroche lámang ang natutong macasipî n~g gayóng damdamin, na wari'y napanood nitó n~g manggaling na si Guinoong Santa María sa pinaglilibin~gan n~g canyáng Anác. Hindî ang pighati n~g Inang iyón ang siyáng iniisip ni María Clara, ang iniisip niyá'y ang saríling capighatîan. Sa pagcâlun~gayn~gay n~g úlo sa dibdíb at sa pagcátiin n~g m~ga camay sa sahig na tabla, ang azucenang hinútoc n~g malacás na han~gin ang canyang nacacatulad. Isáng hinaharáp na panahóng pinanag-inip at hinimashimas na malaon, m~ga sapantah