United States or Wallis and Futuna ? Vote for the TOP Country of the Week !
At pagkatapos, si Mauro naman ang gumanti. Sa dibdib ni Gervasio, at sa dakong susong kanan, ay doon tumarak ang patalim ni Mauro. At sabay sa pagbagsak n~g duguang katawan ni Gervasio ay lumagpak din naman ang katawan ni Pablo sa isang saksak na ibinigay n~g isang di nakilala. At ang lahat ay naganap sa loob n~g isang kisapmatá lamang.
N~guni't ¿sino ang man~gan~gahas na pumasok sa isang bahay na ang kalahati ay nagaalab? kaya't n~g waláng makin~gíg ay siya ang pumasok. Sandali lamang at nakita sa kabahayan, n~g m~ga nasa daan, ang anino n~g pumasok, at pagkatapos ay isang ¡oh! ang bumukal sa lahat n~g bibíg. Siyang pagbagsák n~g bahay na nagdidin~gas.