United States or Kyrgyzstan ? Vote for the TOP Country of the Week !
"macailang hintóng canilang malimot". Kay P. Sayo ay "nalimot; at sa "Kun sino ..." at iba pa ay "makaitlo" ang nasa "macailán". May palagay kaming ito ang tama, at mali ang "makaitlo". Si Balagtas ay di kaibigan ng mga tinatawag nating "viciso de dicción". Ang "makaitlo" ay kahambing din ng "makaipat" at "makainom", na pawang likha lamang ng mapaglarong dila, sinsay sa tumpak na pagbabalangkas, at pinsang buu ng mga "buo". "nuon", "puon", "suob", "duon", "lieg", "luok", "suot", atbp.; mga katagang hinlog na malapit ng mga "maselang", "magaang", "sangla", "sanghi", "bungmasa", "ungmayaw", "kungmain", "iyuna", "iyalinsunod", atbp.
Kaya, malabo man nga ang "nang", at lalo man ngang maliwanag ang "ang", iyang "nang" na iyang naging "ang" sa "Kun sino ..." ay tila dapat ding igalang. Hindi kailangan kung malabo man. Anong malay natin kung maliwanag iyan sa kanilang pagbabalangkas noong araw?