United States or Indonesia ? Vote for the TOP Country of the Week !


"Ipagtapat ko ó huag" ang di niya malutas, na palaisipan sa kaniyang m~ga pagbabaka at namalisbis na naman ang luha sa kaniyang m~ga mata at nagiyakan na lamang ang magkapatid. ¡Kay pait lunukin n~g m~ga kapighatiang ito! nagparaan n~g m~ga ilang simbuyo n~g kahirapan ang dalawa at muli na namang nag-usap. Bakit lamang?

At siya, si Gervasio, ay walang tápang na makahaharap sa malalaking pagbabaka maging ang pagbabakang ito ay magbun~ga sa huli n~g tagumpay n~g isang dakilang simulain at kalasapan n~g di gaanong kagalin~gan n~g marami. Maligtas lamang ang sarili ay mamatay na ang lahat. Ito, ang simulaing naghari at pinapaghari ni Gervasio sa kanyang puso; kaya't sa wakás ay sinabi n~g boong siglá.

Sa isang sumasalubong na ina sa mga umuwing galing sa laban, ay ibinalita ñg isa na namatay daw sa pagbabaka ang tatlong anak niya, "hindi iyan ang tanong ko ang sagot ñg ina, kundi nanalo ó natalo tayó? Nanalo ang sagot ñg bayani. Kung ganoo'y magpasalamat tayo sa Dios!" ang wika at napa sa simbahan.

Ilaan natin ang katawan sa m~ga sakit na karaniwang dinaranas sa alin mang pagbabaka bago sumapit ang tagumpay, at hindi lamang ang m~ga sarili natin ang ilaan sa pagbabaka at pagtitiis, kundi pati rin naman n~g sa ating m~ga asawa't anák, magulang at kapatid, na pawang magsisipagtiis n~g gutom, kung sakali't kakailan~ganin ang mahahabang araw sa pagbubungguan n~g dalawang lakás. ¡Pagtitiis at pagtitiis...! Ito ang kailan~gan natin upang maitaguyod n~g boong dan~gal ang aklasang gagawin ... At, kung kayo, m~ga magigiting na anák-pawis ay hindi nahahanda sa gayon, makalilibo pang mabuti na tayong lahat n~gayon ay mamayapa na at sumailalim n~g bawa't maibigan n~g m~ga mamumuhunan.