United States or French Polynesia ? Vote for the TOP Country of the Week !
M~ga manggagawang gaya ni Pablo ay marami pa at di hamak na malilipol sa Pilipinas. =Tatlong= araw ang lumipas buhat sa huling m~ga pangyayari. Ang aklasan ay patuloy, at ang pagawaan ay hindi pa rin pinapasukan n~g sino mang manggagawang tabakero.
¿Sa Pagawaan natin? Oó, ani Pablo naman. Isang matunog mang "bomba" ang lumagpak sa harapan ni Mauro ay di pa marahil ikagugulat nito na gaya nang marinig ang katatapos na sabi n~g dalawa.
Sa malaking pagawaan n~g tabako sa daang Ilaya, bagama't nakabukas maluwang niyang pinto, ay wala namang makikitang isa mang manggagawa.
At ... tayo'y magpatuloy.... Nang umaga n~gang yaon, samantalang ang karamihan n~g m~ga nagsiaklás, ay nan~gawiwili sa paguusap sa "Cuartel General" nila, isang tao naman ang pumasok sa maluwang na pinto n~g Pagawaan. Pagkapasok ay ang tanggapan n~g Tagapamahala ang tinun~go.
Ipinabatid n~g tinanong, na siya'y umayon na sa pagbabalik sa pagawaan, sapagka't sa ganang kanya, ay wala na rin lamang mapapala ang pagmamatigás laban sa mamumuhunan; at kasabay na rin ang paghikayat sa marami upang magsipasok na.
Gaya nang nalalaman natin, si Pablo, nang makalabas sa pintuan n~g pagawaan, ay nagisip n~g m~ga paraang gagamitin sa paghimok kay Gervasio, upang ito ay magbalik sa Pagawaan.
Sa gabi rin n~g araw na yaong makausap siya n~g may Pagawaan ay nagsadya na siya sa bahay n~g hihikayatin, at taglay sa puso ang malaking pagasa sa tagumpay ay walang kimi ni pagaalinlan~gan ipinabatid kay Gervasio ang kanyang layon, sa pamamagitan n~g m~ga tiyakang pan~gun~gusap at hindi maligoy na pagsasalaysay.
Pagsapit n~g oras na ito, ay nagsasabaysabay namang gigimbal sa apat na panulukan n~g himpapawid ang m~ga sipul n~g m~ga pagawaan at sasakyang dagat; ang m~ga batin~gaw ay magsisiawit n~g ubos kaya mula sa kanikanilang kinalalagyan sa m~ga taluktok n~g simbahan, hudyat na nagbabalita sa lahat na bagong yugto na naman n~g panahon ang humahandog sa buhay n~g tao.
Simula n~ga sa hapong yaon, ang Pagawaan ay untiunti nang nagkakaroon n~g buhay, at wala pang isang linggo, ang datihang linggal at manakánakang pukpukan at tawanan ay naririnig. At samantala'y ... ¡Ang m~ga kahabaghabag na nagsiaklás ay lalong nagsisipagtiis!
Ikasiyam na n~g umaga; subali't ang m~ga hinihintay nila ay di pa dumarating. Sa malaking pintuan n~g pagawaan, ang bawa't tao ó m~ga taong makita nilang lumabás at lumalabas, akala nila'y siya nang hinihintay nila, siyang Lupong sinugo nila ... N~guni't parating nabibigo, parating nawawalan n~g saysay ang kanilang m~ga hinuha. ¡Pagkatagaltagal...! ang ulit-ulit na nawiwika n~g marami.
Salita Ng Araw
Ang iba ay Naghahanap